Friday, September 19, 2008

Debut

I'm back!!!

Kakagising ko lang . Siguro mga 12:00 ng gabi na ako natulog. Kakagaling lang namin pamilya sa Cabalen sa may West Ave. Debut kasi ng ate ko.

WOW!!! Ang daming pagkain. Merong adobo, ginataang kuhol, at iba pang filipino foods (Cabalen e). Ang maganda pa doon eat-all-you-can pa. Solb!!!

Pagkatapos ng kainan, may program para sa ate ko. Na-surprise ate ko kasi akala niya kainan lang. Syempre meron 18 wishes para kay ate (debut nga e). At nagulat ako dahil pang-18th rose ako. At dahil ako ang huli dapat maganda ang sasabihin ko.

Well, sa huli kahit papano nagawa ko nang maganda ang wish ko para sa ate ko.

Sa susunod.....

No comments: