Saturday, September 6, 2008

"Family Day"

Elow ulet!

Magandang ang gising ko sa araw na ito. Hindi pinilit na gumising so hindi masyadong puyat.

Kahit family day ang pupuntahan ko di naman kailangan magmadali. Ang family day para sa akin ay isang reason lang na pumunta sa school tuwing weekend para mag-pingpong. Pagkatapos pumarada papuntang gym umalis na ako para maglaro.

Pagkatapos naman ng lunch, nag-card giving naman. Hindi naman mababa aking mga grades, average lang. Sabi daw ng parents ko na ang remarks sa akin ni sir Chuckie ay tamad ako magmemorize. Tama ang sabi ni sir Chuckie. Para kasing wala na space utak para sa mga lessons. Tuwing katapusan ng bawat quarter nakakalimutan ko na yung mga lessons.

Tapos kumuha ng card. Dumeretso ako sa trinoma maglalaro ng pc. First time ko maglaro ng Fight of Characters. Isa lang masasabi ko: astig. Pagkatapos dota naman. Naka-isang laro lang naman ako. Hindi naman ako adik.

Pagkauwi sa bahay, sermon ang abot ko. Masyado daw mababa ang average. Kaya magiging strikto nanay ko sa aking pag-aaral. Siguro mag-tututor ulet ako lalo na sa Math. Pinakamababang grade ko sa lahat ng subject.

Kailangan ko pa pala sumagot ng prob set sa chem. Sige. Salamat.

No comments: